Binatang ika-10 sa listahan ng Provincial Most Wanted Persons ng Camarines Norte, nasakote sa Puerto Galera, Oriental Mindoro

CAMARINES NORTE- Sa mas pinaigting na manhunt Charlie operation ng mga kapulisan sa mga wanted persons, naaresto dakong 7:45 ng gabi nitong Marso 6, 2022 ang isang lalaki ng pinagisang pwersa ng mga otoridad sa Sitio Aguada, Brgy. Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Hindi na nakapalag pa matapos basahan ng kanyang karapatan bilang akusado si alyas “TURING”, 55 anyos, residente ng Purok 4, Brgy. Malangcao Basud, Labo, Camarines Norte at kasalukuyang nagtatago sa Sitio Aguada, Brgy. Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Si TURING ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape in Relation to RA 7610 na ipinalabas ni Hon. Judge Rolando De Lemios Bobis ng Regional Trial Court, Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang October 1, 2012 at walang rekomendadong piyansa.

Ayon sa ulat, si TURING ang suspek sa panggagahasa sa kanyang menor de edad na kamag-anak na nangyari sa Brgy. Malangcao Basud, Labo, Camarines Norte noong buwan ng Enero, taong 2012.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng mga umarestong operatiba ang nasabing akusado upang kaharapin at pagbayaran ang kasong kanyang ginawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *