Biosurveilllance at genome secquencing dapat palakasin vs Omicron – Angara

Kailangan ng mas malakas na biosurveilllance at genome secquencing sa Pilipinas para maayos na matugunan ang Omicron variant.

Ito ang binigyan-diin ni Senador Sonny Angara sa gitna nang patuloy na banta ng bagong COVID-19 variant sa buong mundo.

Ayon sa Senador bagama’t limitado pa palang ang impormasyon sa bagong variant dapat patuloy na naka-alerto at hindi maging kampante ang publiko.

Nakapakahalaga sa ngayon ayon kay Angara ang kakayahan ng bansa para agad na ma-detect ang variant upang makapagsagawa ng agarang aksiyon.

Magugunitang noong Hunyo, inihain ng mambabatas ang Senate Resolution 759 na naghihimok sa pamahalaan na tingnan ang estado ng biosurveillance at genome sequencing sa Pilipinas at magkaroon ng hakbang na mapaganda ito para sa mas epektibong COVID-19 response.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *