Bird flu sa Pampanga at Bataan, naagapan ng Department of Agriculture

Naagapan ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang pagkalat ng Highly Pathogenic Avian Influenza H5N1 strain o bird flu sa ilang poultry farm sa Bulacan at Pampanga.

Sa ulat na inilabas ng DA-BAI, nakasaad na unang na-detect ang bird flu sa isang duck farm sa bgy Barangka, Baliuag Bulacan noong January 06, 2022 sa pamamagitan ng routine surveillance ng naturang ahensya.

Sumunod na naireport ang pagkakasakit ng mga pugo sa dalawang commercial quail farm sa bgy Dalayap sa Candaba noong January 21, at January 27 naman sa quail farm sa bgy Mangga.

Ang pangatlong kaso ay namonitor sa isa ring quail farm sa bgy San Antonio, Mexico Pampanga.

Ayon pa sa DA, sa pamamagitan ng pakikipag tulungan ng mga LGU, agad ipinatupad ang mga protocols sa ilalim ng Avian Influenza Preparedness Plan o AIPP, kabilang dito ang disease investigation, surveillance sa one-kilometer quarantine zone sa mga kalapit ng apektadong farm.

Tiniyak naman ng DA na mababa ang tyansang makahawa ang naturang sakit sa mga tao, at safe pa ring kumain ng mga poultry meat at products sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *