Bishop Alarcon nagpasalamat sa mga taga Camarines Norte sa loob ng 5 taong paglilingkod bilang Obispo ng Daet

CAMARINES NORTE – Nagpasalamat si Bishop Rex Andrew Alarcon sa mga taga Camarines Norte sa loob ng 5 taong paglilingkod bilang Obispo ng Diocese of Daet.

Sa pinakahuling Chrism mass noong Huwebes Santo bilang Obispo ng Daet,pinasalamatan ni Bishop Alarcon ang mga kaparian at layko na aniya’y naging ‘generous sa kaniya sa loob ng 5 taon niyang paglilingkod bilang pastol ng mga mananampalatayang Cam Nortemo.

Si Alarcon ay itinalagang bagong Arsobispo ng Caceres ni Pope Francis noong Pebrero.

Nakatakda ang kaniyang installation at canonical possession sa Caceres sa May 2 kaya magiging “sede vacante” o vacant seat ang Daet.

Sa kabila ng kaniyang napipintong paglipat sa metropolitan see ng Caceres, tiniyak ng Obispo ang kaniyang patuloy na panalangin at paggabay sa Daet na magdiriwang ng golden year anniversary ngayong taon bilang diocese.

Inanunisyo rin ng Obispo na pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown ang culminating mass ng 50 years celebration ng Diocese of Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *