Biyahe ng bus Naga-Manila at vice versa araw-araw na matapos ang nangyaring aksidente sa Quezon

NAGA CITY- Tumugon ang DLTB Bus Company sa kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Naga na ikunsidera na ang araw-araw na biyahe mula Naga City patungong Maynila o sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange at vice versa.

Ito ay matapos ang salpukan ng van at trak sa Tagkawayan, Quezon na ikinasawi ng anim katao, kasama ang dalawang taga Naga. Mababatid na sa imbestigasyon may mga paglabag ang driver ng van sa pagmamaneho, umamin din ang isa sa mga nakaligtas na sila ay pasahero.

Kinumpirma ni Bicol Central Station Terminal Manager Nonoy Reforsado, sinimulan ito noong Sabado, Hulyo 17, 2021. Dati kase may pagitan ng isang araw ang biyahe dahil iisang bus pa lamang ang pumapasada.

Layunin nitong maiwasan ang pagsakay sa mga colurom na sasakyan.

Masasala din ang umuuwi dahil sa PITX pa lamang binubusisi na ang requirements na hinihingi ng terminal at LGU Naga.

Nagpapatuloy ang pag comply ng requirements ng iba pang bus company.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *