BKSE 2023 naging matiwasay ayon sa Comelec

Naging matiwasay ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Ito ay sa kabila ng mga insidente ng mga karahasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Commission on Election matiwasay ang naging unang halalan sa BSKE 2023.

Naging mapayapa rin ang automated elections sa barangay Paliparan III Dasmarinas Cavite, brgy. Zone II Dasmarinas Cavite, at brgy. Pasong Tamo Quezon City.

Naging maayos din ang pagdaraos ng botohan sa mga piling mall precint sa bansa.

Samantala, iniimbestigahan naman ng mga awtoridad ang mga umano’y insidente ng vote-buying.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *