Blended learning modality, pansamantalang ipinatupad sa paaralang nasunog

Pansamantalang ipinatupad ang blended learning modality sa mga mag-aaral ng Doña Aurora National HS, Sta. Rita Campus sa Aurora, Isabela matapos masunog ang kanilang school building noong Miyerkules ng gabi.

Ito ang naging solusyon ng SDO Isabela upang hindi maaapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.

Matatandaan na nasunog ang anim na silid aralan at ilang opisina kung saan nabasa rin ang ilang mga gamit at dokumento dahil sa pag-apula sa apoy.

Ayon kay Dr. Rachel Llana, Schools Division Superintendent ng SDO Isabela, i-aassess pa ng mga engineers ang building na nasunog kung pwede pa itong gamitin o palitan na ng bago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *