Bong Go, pinuri ang bagong batas na nagpapalawak sa Congressional oversight sa electric power industry

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglagda sa enrolled bill na nagko-consolidate sa Senate Bill No. 2220 at House Bill No. 9487.

Layunin ng panukala na matiyak ang reliability, efficiency at integrity sa power system ng bansa, sa pamamagitan ng pag-expand sa powers at functions ng Joint Congressional Energy Commission o JCEC.

Ang Republic Act No. 11571, o ang JCEC Enhancement Act, ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 6. 

Partikular na aamyendahan sa batas ang Section 62  ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 sa pamamagitan ng pagpapalawak sa oversight role ng Kongreso na isasama na ngayon sa pagpapatupad sa lahat ng existing energy laws, bilang karagdagan sa EPIRA, pero exempted ang Biofuels Act of 2016.

Tinatanggal rin sa ilalim ng bagong batas ang probisyon sa expiration ng JCEC.

Ayon naman sa National Economic and Development Authority, ang pag-expand sa papel ng JCEC ay nagpapahintulot na mas makatulong tungo sa development ng coordinated policy interventions sa energy sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *