Boracay—dinayo ng 1.4 million na mga turista ngayong taon

Umaabot sa 1,444,279 na mga turista ang nagbakasyon sa isla ng Boracay simula noong Enero 1 hanggang Agosto 15, 2023.

Base sa record ng Malay-Boracay Tourism Office, ang pinakamaraming tourist arrivals ay noong buwan ng Abril 2023 na umaabot sa 214,000.

Samantala, noong Mayo at Hulyo umabot naman sa 207,000 ang mga turista.

Habang umabot naman ng 95,000 ang mga turista ngayong buwan ng Agosto at mahigit 72,000 ang domestic at mas sobra sa 21,000 naman ang mga foreigners.

Ngayong taong 2023, umaabot sa 1.8-M ang target subalit positibo parin ang lokal na pamunuan ng Malay na makuha ang target na tourist arrival bago pa man matapos ang taong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *