Boxing champ Dave ‘Dobermann’ Apolinario nag-courtesy call kay Pangulong Marcos

Personal na binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino champion boxer na si Dave ‘Dobermann’ Apolinario matapos itong courtesy call sa President’s Hall sa Malacañan Palace noong Agosto 3, 2022.

Sinabi ng Pangulo sa boxing champ na ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng karangalan sa mga Pilipino sa buong mundo.

Ibinigay ni ‘Dobermann’ ang isang pares ng nilagdaang boxing gloves kay Pangulong Marcos Jr. at bilang kapalit, pinirmahan ng Punong Ehekutibo ang isa pang pares ng gloves para kay Apolinario.

Nakatanggap din ng commemorative gold coin ang boxing champ mula sa Pangulo.

Ang unbeaten professional boxer ay ang pinakabagong atletang Pinoy na nag-uwi ng International Boxing Organization (IBO) World Flyweight belt matapos patumbahin ang ang dating 3-division world champion na si Gideon Buthelezi ng South Africa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *