Brand new pick-up truck, kasamang inilibing ng namayapang ‘Don’ sa Mexico bilang pagtupad sakanyang ‘last will’

Puerto San Carlos, Mexico–  Marahil totoo ang kasabihan na kahit gaano karangya o kayaman ang iyong buhay dito sa mundong ibabaw, hindi mo ito madadala sa iyong pagpanaw.

Bagay na tila kinontra ng isang yumaong “Don” sa Puerto San Carlos Mexico matapos na isabay sakanyang hukay ang brand new pick-up truck na iniregalo sakanya ng kanyang anak.

Usap-usapan ngayon sa nasabing bansa, ang viral videos ng paghahatid sa huling hantungan ng namayapang si Don Adan Arana na bago pumanaw ay mahigpit na ibinilin sakanyang mga kaanak na isama sakanyang himlayan ang kanyang sasakyan.

Matapos na malamang may taning na ang kanyang buhay bunsod ng malubhang karamdaman, kasama sakanyang mga naging kahilingan o “last will” ang ipabaon sakanya ang pick-up truck upang siya umano ay makapag maneho sa ikalawa niyang buhay.

Bagay na ginawa at sinunod naman ng kanyang naulilang pamilya kung kaya gamit ang mga hollow blocks na ipinalibot sa malalim na hukay, unang inihimlay ang naturang sasakyan bago isinunod ang kabaong na kinahihimlayan naman ni Don Arana.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *