California Gulf, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

NAITALA ng European Mediterranean Seismological Centre ang 6.4 magnitude na lindol sa may bahagi ng gulpo ng California.

Ayon sa Mexico Civil Defense, bagama’t walang naitalang anumang pinsala ang naturang pagyanig, kanila nang inabisuhan ang mga mangingisda at tripulante sa lugar na huwag munang magpapalaot dahil sa posibilidad ng malakas na current sa karagatan.

Samantala, pinawi naman ng U.S Tsunami Warning System ang pangamba ng mga residente sa lugar, makaraang kumpirmahin na walang anumang banta ng tsunami sa lugar, matapos ang malakas na pagyanig.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *