Camarines Norte wala pang kumpirmadong kaso ng Delta variant

CAMARINES NORTE- Wala pa umanong kumpirmadong kaso ng Delta COVID- 19 variant ang lalawigan ng Camarines Norte.

Pero ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ipinapaalala lang ng mga datos na kailangan ding paghandaan ang posibilidad na makapasok ang mabagsik na variant ng COVID- 19

Kaya naman ang solusyon umano ay pigilan ang posibilidad na makapasok ang naturang variant sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols at sa Executive Order na ipinalabas ni Governor Edgardo Tallado.

Ayon pa kay Francisco tila “misleading” umano ang sinasabing nasa Alert level 3 na ang lalawigan sa Delta variant matapos ngang kumalat ang mga post sa social media hinggil dito na base umano sa Department of Health (DOH).

Binigyang diin ni Francisco na bago pa man magkaroon ng Delta variant ay dati na umanong ginagamit ang ganitong alert system.

Bagamat nadagdagan ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID- 19 sa lalawigan ay na iistabilze naman daw ito.

Sa katunayan, mula sa 400 active cases ay napababa umano ito sa halos 200 kaso na lang.

Pagdating naman aniya sa healthcare utilization ay nasa normal status pa ang Camarines Norte Provincial Hospital.

Gayunman aminado si Francisco na maaaring nagkakaroon ng problema sa pagpapaabot ng mga datos partikular ang galing sa mga pribadong ospital.

Ang bagay umanong ito ay pag uusapan ng PHO at ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *