Camila Cabello at Shawn Mendes, hiwalay na!

Inanunsiyo ng Cuban-American singer-song writer na si Camila Cabello ang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan ng Canadian singer na si Shawn Mendes.

Sa pamamagitan ng kanyang IG story, inihayag ni Camila sakanilang mga supporters at fans na nag desisyon silang dalawa ni Shawn na tapusin na ang kanilang relasyon ngunit ang kanila umanong pagmamahal sa isa’t-isa bilang magkaibigan ay mananatili at mas hihigit pa.

“Hey guys, we’ve decided to end our romantic relationship but our love for one another as humans is stronger than ever.”

Dagdag pa ng singer, nagsimula ang kanilang relasyon bilang magkaibigan kaya’t mananatili silang magkaibigan.

Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa lahat ng kanilang mga taga suporta na hindi aniya sila iniwan mula sa simula hanggang sa mga susunod pang panahon.

Matatandaang taong 2019 nang magsimulang umugong ang relasyon ng dalawa matapos ang success ng kanilang single na “Señorita” na humakot ng awards at nag number 1 din sa U.S Billboard Hot 100.### Jumel Dela Rosa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *