CASURECO IV nagpadala na ng team na tutulong sa power restoration sa Bohol matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette

NAGA CITY—Tumulak na kamakalawa patungong Bohol ang mga personahe ng Camarines Sur IV Electric Cooperative o CASURECO IV para tumulong sa pagsasaayos ng mga poste at linya ng kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay CASURECO IV General Manager Renato San Jose, nasa 11 katao ang nag-volunteer na tumulong na kinabibilangan ng isang Supervising Electrical Engineer, linemen, mekaniko at driver.

Ang pagpapadala ng tulong ay bahagi ng Task Force- Power Restoration Rapid Deployment ng mga Electric Cooperative sa Bicol.

Matatandaan noong nakaraang taon nang salantain ng bagyo ang Camarines Sur ay nagpadala rin ang Bohol Electric Cooperative ng kanilang mga tauhan para maka-agapay sa power restoration.

Siniguro naman ni San Jose, na kumpleto sa kagamitan at iba pang personal na pangangailangan ang kanilang mga tauhan na doon narin magpapasko at magbabagong taon kahit malayo sa pamilya ay walang pag-alinlangan na sumama makatulong lang sa mga nasalanta ng bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *