Catanduanes State University nakatanggap ng donasyong tablets para sa online class ng mga estudyanteng walang ‘learning gadgets’

Virac, Catanduanes- Masayang tinanggap ni Catanduanes State University President – Dr. Patrick Alain Azanza ang nasa 66 na android tablets na donasyon sa unibersidad ng hindi na nagpakilalang donor.

Ayon sa pamunuan ng CatSU, ang mga naturang tablets ay ipamimigay sa mga mag-aaral sa kolehiyo na walang kakayahang makabili ng learning gadgets para sakanilang online learning sa muling pagbubukas ng School Year ngayong buwan ng Setyembre.

Malaking tulong aniya ang naturang gadgets para masuportahan ang pag-aaral sa kolehiyo ng mga estudyante sa islang lalawigan na mula sa indigent families o hikahos sa buhay.

Ang mga ipapamahaging tablets ay mayroong 6 Random Access Memory (RAM) at 128 gig storage.

Matatandaan na nanawagan si Azansa sa lahat ng mga pribadong sektor na may interes sa unibersidad na tulungan muna ang mga kapos palad na estudyante ng paaralan.

Binigyang diin din nito na marami ang kailangangan maisaayos sa CastSU na kanya umanong tututukan sakanyang panunungkulan, gaya ng mga naantalang proyekto, mga bakanteng pwesto, university fund at marami pang iba.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *