Catriona Gray, itinangging kasal na siya kay Sam Milby

Inamin ng beauty queen na si Catriona Gray na nagulat siya nang makita sa social media na may mga ulat na kasal na siya sa aktor na si Sam Milby.

Bagama’t hindi totoo ang mga ulat tungkol sa kasal nila ni Milby, inamin ng dating Miss Universe na napag-usapan na nila ang posibilidad na magpakasal.

Kamakailan ay nagpahiwatig si Gray tungkol sa “at her happiest” sa isang picnic kasama si Milby sa Western Australia.

Nagpasalamat rin siya na sa pagtatapos ng 2022 ay kasama niya si Sam sa Australia

Matatandaang, kinumpirma nina Gray at Milby na magkarelasyon sila noong Mayo 2020.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *