Cdrrmo nagsasagawa ng 5-day swiftwater and flood rescue training sa Olongapo

Nagsasagawa ng limang araw na Swiftwater and Flood Rescue Training ang Olongapo City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO.

Ito ay para hasain ang mga barangay rescue at iba pang mga rescue team sa tamang pagsagip sa mga mamamayan lalo na kung may pagbaha at may nangangailangan ng tulong.

Nito lang nakalipas na araw ay sinimulan na ang pagsasanay at kabilang muna sa itinuro ay ang mga kagamitan na kinakailangan na suotin muna bago lumusong sa tubig at iba pang mga rescue equipments.

Layon ng opisina na hanggat maaga pa ay mabigyan na ng kaalaman ang mga barangay rescue team bilang paghahanda sa anumang uri ng  kalamidad. // BNFM OLONGAPO_MICHELLE LOPEZ

Courtesy-Olongapo Cdrrmo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *