CDRRMO Sorsogon nakaalerto na sa mga resort re: long weekend, Semana Santa

SORSOGON CITY—Nakahanda na ang Sorsogon City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kaugnay sa posibleng pagdagsa ng mga maliligo sa mga beach resorts sa susunod na linggo dahil sa Semana Santa.

Ayon kay Louie Mendoza, head ng opisina, pinakatututukan ng kanilang hanay ang mga insidente ng pagkalunod na madalas nangyayari tuwing panahon ng tag-init at Semana Santa.

Sa ngayon kasi ay inaasahan na dadagsain ang mga paliguan dahil sa mahaba-habang bakasyon.

Nakipag-ugnayan na rin ang opisina sa mga resorts owner na laging tiyakin na mayroong mga lifeguards at barangay officials na maaring magbantay sa mga resorts upang matiyak ang kaligtasan ng mga maliligo.

Kasabay nito ay pinaalalahanan din ng opisyal ang mga magulang na maging alerto sa kanilang mga maliliit na anak na huwag hahayaang maligo ng mag isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *