Cellphone technician, timbog sa pagbebenta ng iligal na droga

Arestado ang isang Cellphone Technician sa Barangay Batal, Santiago City matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad noong ika-pito ng Abril.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Tata”, 44-anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat ng Police Station 4 ng Santiago City, nakumpiska mula kay Tata ang nasa 0.9 grams na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,120.

Bukod sa droga, narekober din mula sa kaniya ang genuine P500 bill, isang pekeng P1000 bill na ginamit bilang buy bust money, at isang unit ng android tablet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *