Cherie Gil, na-diagnosed ng endometrial cancer bago pumanaw

Malungkot na ikinuwento ng pamilya ni Cherie Gil na na-diagnosed ang aktres sa bibihirang uri ng endometrial cancer, noong Oktubre 2021.

Nitong nakaraang Pebrero, marami ang nagulat nang naging cover sa Mega Magazine si Cherie na walang buhok.

Sa caption, sinabi ng aktres na nasa New York City siya, at sinabing ibinenta umano niya ang lahat ng kanyang gamit, at iniwan ang lahat pati na ang mga lumang damit bilang simbolo ng kanyang “past life,” pati na rin ang kaniyang buhok.

Inihayag niya rin dito ang kaniyang lungkot sa nangyari sa kaniyang career noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Samantala, doon narin sa Memorial Sloan-Kettering Cance Center of New York, nagpag-gamot si Cherie Gil hanggang sa hindi na nito nakayanan ang sakit. 

Ayon sa pamilya, desisyon din umano ni Gil na gawing pribado ang sakit, na matapang niyang hinarap hanggang huling sandali ng kaniyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *