China, handang makipag-renegotiate sa naudlot na pagpondo sa ilang big-ticket railway projects

Nilinaw ng Chinese Embassy na bukas pa rin naman ang kanilang gobyerno na makipag-negosasyon sa Pilipinas matapos ang pagkumpirma ng Transportation Department na umurong ito sa pagpondo sa tatlong big-ticket railway projects sa bansa.

Sa isang payahag, nilinaw ng embahada ang naging pahayag ni DOTr Usec for Railways Cesar Chavez na binasura na ang loan applications para sa konstruksyon ng Philippine National Railways Bicol project, Subic-Clark Railway Project, at ang unang bahagi ng Mindanao Railway Project.

Ayon sa Chinese Embassy, tuloy pa rin naman ang negotiations sa pagitan ng dalawang estado para plantsahin ang ilang mga technical issues at sa katunayan ay mayroon nang progress para ipagpatuloy ang mga naantalang proyekto.

Anila, bukas ang Gobyerno ng China na talakayin ang pagpapatuloy ng mga proyektong ito sa ilalim ng bagong administrasyon pati na rin ang iba pang government-to-government projects sa pagitang ng China at ng Pilipinas.

Kaugnay nito, naniniwala si Senadora Grace Poe na maganda itong oportunidad para magkaroon ng kasunduan na magiging patas at beneficial para sa mga Pilipino.

Aniya, kailangang maplantsa ang ilang mga isyu dito kagaya ng interest rates.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *