China, pinalagan ang pangingialam ng Europa sa issue ng WPS

Muling nanindigan ang China na hindi dapat nangingialam ang ibang mga bansa sa mga usapin sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokespereson Mao Ning ang pahayag matapos ang naging statement ng German Foreign Minister sa naging pagbisita nito kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sabi ni Mao – wala raw karapatang mag-interfere ang mga non-regional states and countries sa mga maritime disputes sa pagitan ng China at ng Pilipinas.

Sa huli – mananatili raw malinaw at consistent ang kanilang pananaw sa mga usapin sa South China Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *