Chinese diplomat – ipinatawag ng PH matapos ang water cannon bombing incident

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa bansa matapos ang pinakabagong insidente ng pambobomba ng Chinese vessels sa mga barko ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang mga agresibong aksyon ng China ay nagdulot ng pinsala sa mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Mababatid na noong Martes ay sabay na binomba ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia ang mga barko ng bansa.

Sa kaparehong araw, sinabi naman ni Chinese foreign ministry spokesman Lin Jian na gumawa sila ng ‘necessary measures’ sa Philippine vessels na aniya – ay nanghimasok sa teritoryo ng Beijing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *