Chinese military drills, lumabag sa Taiwan waters, international order nanganganib — Taipei

Binigyang diin ng Taiwan’s defense ministry na lumabas ang military exercises ng China sa territorial waters ng isla, bilang tugon sa naging pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

Ayon kay defense ministry spokesman Sun Li-fang, ito umano ay irrational move para hamunin ang international order.

Sinabi rin ng defense ministry, na tangka ng China na takutin ang key ports at cities sa pamamagitan ng pag-aanunsyo ng drills sa palibot ng isla sa mga susunod na araw.

Giit ni  Li-fang, layunin ng drills na matakot ang Taiwan’s citizens, at sinabing dinagdagan na ng armed forces ang kanilang alertness level, kaya hindi umano dapat mabahala ang kanilang mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.