City Government of Puerto Princesa, handang handa na sa Ironman 70.3

Handang- handa na ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at City Sports Office para sa gaganaping Ironman 70.3 event bukas, ika- 13 ng Nobyembre 2022.

Tinatayang 1,219 na partisipante ang nakilahok sa triathlon event, ayon sa mga organizer nito.

Ang mga kalahok ay sasabak sa 109 kilometer swim sa City Baywalk, 90 kilometer biking patungo sa Iwahig Bridge  at 21 kilometer run sa City Center hanggang sa RVM Sports Complex oval track.

Kaugnay nito, ay nailatag na din ang magiging set-up sa mga lansangan na daraanan ng mga manlalaro.

Samantala, umaasa si Austria na magiging maayos ang pakikitungo ng mga taga- Puerto Princesa sa mga triathlete.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *