CJ Gesmundo, tiniyak na po-protektahan ang mga Judge laban sa mga banta’t pananakot

‘You can count on us’.

Ito ang ginawang pagtitiyka ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga judges sa bansa at sinabing gagawin ng Supreme Court ang lahat para maprotektahan sila sa ano mang uri ng banta at pang-haharass.

Ginawa ni Gesmundo ang pahayag matapos ang naging banta ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy kina Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar at asawa nitong si UP-Cebu Leo Malagar.

Sa pagharap ng Punong Mahistrado sa Annual Convention of the Metropolitan and City Trial Judges Association of the Philippines, idiniin nitong seryoso ang Kataastaasang Hukuman sa pag-protekta sa mga judge na itinuturing umano bilang mga ‘frontliners’ sa pagbibigay ng hustisya sa Publiko.

Makasisiguro umano ang mga judge na magagawa nila ang kanilang trabaho nang walang pangamba sa kanilang mga buhay.

Matatandaaang nag-ugat ang pangbabanta ni Badoy kay Judge Malagar matapos nitong ibasura ang proscription case ng Department of Justice kung saan ay ipinadedeklara sanang mga terorista ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong sangay nito na New People’s Army (NPA).

Una nang nagbabala ang SC ng karampatang aksyon laban sa dating anti-insurgency agency spokesperson, at naglabas na rin ng kani-kanilang pahayag ng pag-kundena ang iba’t ibang mga grupo ng abugado, law academics, at mga bar associations laban kay Badoy.
#

RELATED STORIES:

Badoy, dumipensa sa banta vs Manila Judge

Korte, binasura ang petisyon ng DOJ na pinade-deklarang mga terorista ang CPP-NPA

DOJ, hindi na aapela matapos ibasura ang petisyon re: CPP-NPA as terrorists

Pagbasura sa DOJ petition, magandang hakbang para matigil na ang red-tagging – Makabayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *