COA hinimok ni Senator Go na ituloy ang audit process hangang maresolba ang isyu sa COVID-19 response funds

Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang Commission on Audit (COA) na ituloy ang audit process nito hangang maresolba ang isyu sa COVID-19 funds.

Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang pagtatanong kay COA Chairperson Michael Aguinaldo sa nagpapatuloy na senate blue ribbon hearing.

Ayon kay Go para maging patas sa mga sangkot, dapat i-post din sa website ng COA sakaling maayos na o makapag-comply na ang mga idinadawit na ahensiya katulad ng DOH.

“Ang importante rito, aksyonan na kaagad… The faster you clear these issues, the faster we can move on … Dahil kawawa ‘yung DOH. ‘Yung iba diyan gusto lang pong magtrabaho kaya lang nagiging busy sila ngayon dahil nahusgahan na kaagad sila na mayro’ng pagkukulang… dahil dito sa COA findings,” pahayag ni Go.

Muli naman nanindigan ang COA sa naturang pagdinig na wala silang nakitang ‘corruption at overpricing’ sa pagbili ng pamahalaan ng mga PPEs noong unang bahagi ng COVID-19 pandemic.

Iginiit naman ni Go hindi nila kukunsintihin ni Pangulong Duterte kung makikitang may katiwalian sa mga transaksiyon ng gobyerno.

“If you are proven guilty of any anomaly, pasensyahan nalang tayo dahil hindi namin pinapalampas ni Pangulong Duterte ‘yan …  kasuhan n’yo na kaagad. Ipasa n’yo na sa [Office of the Ombudsman]. ‘Yun naman ang trabaho ng COA, ‘yun naman po ang trabaho ng Ombudsman, ‘yun naman ang trabaho ng ating SandiganBayan. Kaya nga may kulungan tayo para ikulong ‘yung mga dapat ikulong,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *