Breaking News

Comedian and Host na si Vhong Navarro, pinayagan ng Korte na makapagpiyansa

Pinayagan na ng Korte na makapagpiyansa ang aktor at komedyanteng si Vhong Navarro para sa kasong rape na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

Sa order na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, pinayagan ang petition for bail na inihain ng kampo ng aktor.

Ayon sa Presiding Judge na si Loralie Cruz Datahan, inirekumenda ng Korte ang P1,000,000 na piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Idiniin sa order na ang ‘inconsistencies’ at ‘discrepancies’ sa mga affidavit ni Cornejo ay kailangan pang busisiin.

Ipinunto rin ng Korte na wala pang konkretong patunay na ‘drugged’ si Cornejo maliban lamang sa kanyang testimonya.

Sinabi pa sa order na matapos ang alleged rape incident, nakapag-text, nakapagbihis, at nakauwi pa sa isang kaibigan si Cornejo.

Matatandaang dalawang linggo nang naka-detain si Navarro sa Taguig City Jail matapos itong i-transfer mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

September 19 nang unang mag-isyu ang Korte ng non-bailable case laban kay Navarro.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

54 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

1 hour ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

1 hour ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

1 hour ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

1 hour ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago