COMELEC, kinumpirmang na-monitor ang mga kuwestiyonableng election returms

Inumpisahan na ng Commission on Elections ang imbestigasyon sa apat na mga election returns na na-flag ng mga election watchdogs dahil sa mismatch nito sa mga electronically transmited returns.

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, ang mga ERs na mayroong hindi tumugma sa bilangan ay nanggaling sa Masbate, Quezon, at sa Lapu-Lapu City.

Sinabi ng poll body official na sa ngayon ay nakikipagtulungan na sila sa kanilang steering committee at sa IT department ito para maresolba ang discrepancy sa bilang ng boto.

Dalawang kaso ang maaaring nakapag-print ng ER habang isnasagawa ang final testing at sealing; Habang ang ikatlong kaso naman ay posibleng error sa bahagi ng electoral board.

Posible umanong napaaga ang pagsasara ng mga electoral boards ng botohan kahit na hindi pa nafe-feed ang lahat ng mga balota.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *