COMELEC: Mga nagpatalang botante – wala pa sa kalahati!

Matapos ang pagbubukas ng voters’ registration noong December 12 – hindi pa rin naabot ng Commission on Elections (COMELEC) ang target nitong bilang ng magpaparehistro para sa darating na 2023 barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi pa umaabot at wala pa sa kalahati ng inaasahan nilang 2 million registrants ang bilang ng nagrehistro sa kanilang mga tanggapan.

Dagdag pa nito, halos nasa 400,000 na mga indibidwal pa lang ang mga nagparehistro sa ahensya.

Malayong-malayo ito sa pagtataya nilang aabot sa bilang na 1.5 million registrants para sa buwan ng January.

Samantala, naninindigan ang Comelec na hanggang January 31 lamang ang registration.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *