Community pantry para sa mga evacuees, ilulunsad sa Albay

Ilulunsad ang isang community pantry para sa mga evacuees ng Bulkang Mayon na pangungunahan ni Albay 3rd district Rep. Fernando “Didi” Cabredo.

Gagamitin ni Cabredo ang P500,000 cash assistance na ibinigay ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez para itayo ang community pantry na tatawaging “Community Pantry nina Speaker and Cong Didi”.

Ayon kay Romualdez, nakakataba ng puso na makita ang pagbabalik ng community pantry na sumisimbolo ng malasakit at pag-asa para sa mga Pilipino, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Hindi lang ang distrito ni Cabredo ang nakatanggap ng P500,000 na tulong pinansyal mula sa Speaker at Tingog Party-list, dahil ang parehong halaga ay naiturn-over din sa mga opisina ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman at 2nd district Rep. Joey Salceda.

Bukod dito, nakatanggap din ang tatlong mambabatas ng P500,000 halaga ng relief goods mula kay Speaker Romualdez na galing naman sa kanyang personal disaster relief fund. // Yanaley Balaquiot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *