Covid-19 active cases sa Sorsogon bahagyang bumaba dahil sa ilang recoveries

SORSOGON CITY—Bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na walang maitalang mga bagong kaso kahapon at makarekober ang dalawang mga pasyente.

Kaugnay nito, mula sa 63 kahapon ay 61 na lamang ang active cases sa probinsya.

Sa datus na inilabas ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO), kabilang sa mga nakarekober ang isang pasyente  mula sa bayan ng Donsol, at isa din mula sa lungsod ng Sorsogon.

Sa kabuuan  8,649 na ang cumulative Covid-19 cases sa lalawigan habang nananatili naman sa 477 ang mga nasawi dahil sa nasabing sakit.

Samantala, upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo ay patuloy pa rin ang panawagan ng mga kinauukulan sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standard at paghikayat  sa mga hindi pa bakunado kontra Covid-19 na magpaturok na ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *