COVID-19 cases sa Bicol, pumalo na sa 44,293 matapos magtala ng 289 na mga bagong kaso

BICOL—Pumalo na sa 44,293 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 289 na mga bagong kaso.

112 nito ay mula sa lalawigan ng Albay kung saan 30 ang mula sa bayan ng Guinobatan, 18 sa Daraga, 17 sa Legazpi, 14 sa Camalig, anim sa Sto Domingo, tiglima ang Libon at Ligao City, tig apat ang Bacacay at Malinao, tigdalawa ang Malililpot at Oas at tig-iisa ang Manito, Pio Duran, Polangui, Tabaco City at Tiwi.

106 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 19 nito ay mula sa San Jose, 14 sa Naga City, siyam sa Nabua, tigpito ang Buhi at Lagonoy, anim sa Milaor, tiglilima ang Bula, Camaligan at Iriga City, tig-apat ang Magarao at Tigaon, tigtatatlot ang Caramoan, Pili, Sagñay at San Fernando, tigdadalawa ang Canaman, Siruma at Tinambac at tig-iisa ang Libmanan, Ocampo at Ragay.

Ang Sorsogon ay nagtala ng 61 na mga bagong kaso kung saan 24 nito ay mula sa Irosin, 12 sa Sorsogon City, walo sa Pilar, tigtatlo ang Donsol at Prieto Diaz, tigdadalawa ang Bulan, Casiguran, Gubat at Sta. Magdalena at tig-iisa ang Barcelona, Juban at Magallanes.

Walong kaso ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan tatlo nito ay mula sa Daet, dalawa sa Basud at tig-iisa ang Jose Panganiban, Sta. Elena at Talisay.

Dalawang kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes na mula sa San Andres at Virac habang zero new case ang Masbate.

Pumalo na sa 1, 440 ang death toll matapos magtala ng 17 na bagong nasawi kung saan siyam nito ay mula sa Camarines Sur, apat sa Legazpi City at tigdalawa ang Catanduanes at Naga City.

Samantala, patuloy pa ang validation sa numbe of recoveries at ilalabas na lamang sa ulat ng DOH sa mga susunod na oras.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *