Covid-19 infected workers na naka-home isolate, maaari ring mag-apply para sa Sickness Benefit ayon sa SSS-Bicol

BICOL – MULING nilinaw ngayon ng Social Security System o SSS na hindi lamang para sa mga miyembro tinamaan ng covid-19 na naka confine sa mga ospital ang alok nilang Sickness Benefit.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni SSS Legazpi communications officer Jeanette Mapa, na sakop din nito ang mga miyembro na naka home isolate lamang at nagkasakit sa loob ng apat na araw.

Bukod pa rito, ilang pa umano sa mga importante kondisyon para makapag avail ng sickness benefits ay ang katunayan na ‘actively paying’ ang isang miyembro gayundin dapat agad na ma-notify ang SSS kaugnay sa kanyang pagkakasakit, o kung sakaling ‘employed’ naman ay ma-inform ang employer sa lalong madaaling panahon.

Aniya, applicable ito sa mga employed members kung saan dapat nagamit na ang current company leave credits with pay at kapag umano naubos na ito ay saka maaaring mag apply para sa nasabing benepisyo.

Pagpupunto pa ni Mapa, kahit umano bago pa ang pandemya, kwalipikado na sa sickness benefit kahit ang mga naka sailalim sa home confinement basta’t makakapag provide ng katunayan ng kanyang pagkakasakit.

Samantala, para sa mga miyembro na nagpositibo saa covid-19 at interesadong mag avail ng benepisyo, kailangan lamang umano isumite ang positive result ng rapid antigen o rt-pcr test, kalakip din ang certificate of completion ng quarantine na inisyu at pirmado ng medical officer ng nakakasakop na LGU or Barangay Health Emergency Response Team o BHERT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *