COVID-19 vaccination coverage sa Albay pumalo na sa 67% ng target

BICOL—Pumalo na sa 67% ng total target population sa lalawigan ang Alba yang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19.

Katumbas ito ng 657,259 na nabakunahan para sa first at second dose sa kabuuang 987,297 na target.

Sa tatlong lungsod at 15 munisipyo, nangunguna pa rin ang lungsod ng Legazpi sa vaccination coverage na mayroon nang 106%.

Katumbas ito ng 156,209 na mga nabakunahan sa parehong first at second dose mula sa 147, 643 na target population sa lungsod.

Ikalawa rito ang lungsod ng Tabaco na may 76% vaccination coverage o katumbas ng 76,468 na nabakunahan sa first at second dose mula sa 100,507 na target.

Ikatlo ang bayan ng Tiwi na mayroon nang 74% vaccination coverage o katumbas ng 29,363 mula sa 39,883 na target.

Pang apat ang Ligao City na may 67% vaccination coverage at panlima ang Manito na may 65% vaccination coverage.

Bagamat mataas na ang bilang ng mga nabakunahan sa mga nabanggit na lugar, hindi pa ito ang sukatan para sa pag-abot ng herd immunity dahil ito ay nagrerepresenta lamang ng kabuuang bilang ng mga nabakunahan kabilang ang mga nakatanggap ng first at second dose at hindi pa ang mga fully vaccinated.### | slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *