Local News

COVID- 19 vaccination coverage sa Camarines Norte para sa senior citizen nakapako pa rin sa 75 percent

CAMARINES NORTE- Hindi pa rin naabot ng Camarines Norte ang 80 percent vaccination coverage sa A2 priority group o senior citizen.

Ito ay sa kabila ng tuloy- tuloy na pagbabakuna ng mga Local Government Unit maging sa mga barangay.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Huwebes, Pebrero 9, nasa 35, 470 sa target na 46, 754 o 75 percent  edad 60 anyos pataas ang nababakunahan.

Ang pinakamaliit na bayan ng San Vicente pa lang ang nakaabot o lumagpas pa sa target ng populasyon na dapat bakunahan.

Sa target na population na 833 sa naturang age group 1,009 ang nabakunahan o 121. 1 percent.

Ang Daet naman na may pinakamaraming target ay malapit nang maabot ang isang daang porsiento.

Sa 8, 399 na target population nasa 8, 244 o 98. 2 percent ang nabakunahan na.

Sinusundan ito ng Basud na nasa 89. 5 percent, Capalonga 86. 5 percent at Talisay na may 85. 7 percent.

Ang nalalabing mga bayan ay hindi pa rin nakakaabot ng 80 percent.

Mayroong 72. 4 percent ang Jose Panganiban, 71. 1 percent ang Mercedes, 67. 3 percent ang Labo , 61. 4 ang Vinzons, 61. 1 ang Paracale at 58. 0 percent ang San Lorenzo Ruiz.

BNFM Daet

Recent Posts

Grupo ng mga tattoo artists – wi-nelcome ang pag-suspend sa ‘no-tattoo policy’ sa PNP

Binigyang-diin ni Philippine Tattoo Artist Guild (PhilTAG) President Philip D. Peña na kultura na sa…

13 mins ago

DepEd – nagpaalala laban sa pekeng pa-ayuda online

Muli na namang kumalat sa social media ang pekeng pa-ayuda ng Department of Education (DepEd).…

30 mins ago

Pagkakabilang ni PBBM sa ‘di umano’y ‘PDEA list’ – tinawanan lang ng presidente

Tumawa lang si Pangulong Bongbong Marcos nang matanong ng media patungkol sa issue ng pagkakasangkot…

32 mins ago

DFA: hindi totoong nagpapagamit ang PH sa ibang mga bansa sa isyu sa WPS

Hindi nagpapagamit ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa isyu sa West Philippine Sea. Ito…

35 mins ago

Senador: imbestigahan na ang mga dayuhang nasa ‘gated villages’ sa Paranaque

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na karapat-dapat lang…

35 mins ago

Pagdaan ng Chinese vessels sa Tawi-tawi, tinawag na ‘innocent passage’ ng WESTMINCOM

Itinuturing na 'innocent passage' ng AFP Western Mindanao Command ang Pagdaan ng 4 na Chinese…

35 mins ago