Local News

Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Oas, Albay

Arestado ang isang lalaki matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Brgy. Iraya Norte, bayan ng Oas Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Adamson”, 26 anyos at residente ng P-5, Brgy. Obaliw-Rinas, ng nasabing bayan.

Ayon sa report, gabi nang magsagawa ng isang operasyon laban sa iligal na droga ang Oas MPS sa pakikipagtulungan ng PDEA-RO5 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng tatlong pirasong suspected “shabu”.

Nang magkapalitan na ng nasabing item, dito tuluyang inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang “shabu” at perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Sunog sa balatas dumpsite umabot na sa tinatayang isang ektarya

NAGA CITY –Kinakalkal ng bulldozer ng Solid Waste Management Office ang nasusunog na bahagi ng…

13 mins ago

74 na probinsiya sa bansa, nakaranas ng epekto ng El Niño nitong Abril

Pitompu't apat na probinsiya sa bansa ang nakaranas ng tagtuyot nitong buwan ng Abril. Sa…

14 mins ago

DepEd, nangakong tutugunan ang kahilingan ng Pangulo na ibalik ang dating school calendar sa susunod na taon

Nangako ang Department of Education (DepEd) sa desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na ibalik ang…

32 mins ago

Pinalutang na “New model arrangement” ng China, bahagi ng kanilang cognitive warfare ayon sa NSC

Naniniwala ang National Security Council o NSC na bahagi ng tinatawag na cognitive warfare ng…

50 mins ago

Ilang supporters ni FPRRD, nagprotesta sa Senado upang pababain sa pwesto ang Pangulo

Hindi nagpahuli at tinapatan din ng kilos-protesta ng ilang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte…

1 hour ago

Rep. Romulo: School days ng mga learners – dapat araling mabuti

Nakatakdang makipagpulong ang House Committee on Basic Education sa Department of Education (DepEd) upang matukoy…

2 hours ago