Customer ng barber shop, hindi nasiyahan sa gupit; Barbero, ginupitan

Ikinagalit ng isang customer ang kanyang naranasa sa Salute Barbershop sa Pattaya, Thailand.

Hindi kasi sila nagkaintindihan ng barbero dahil sa language barrier.

Hindi ito makapagsalita ng fluent English para ipaliwanag sa barbero kung ano ang gusto nitong gupit, kaya gumamit na lang ito ng hand gestures.

Nang matapos na ang gupitan, nagulat ito sa naging resulta.

Sinuntok nito ang mesa, inaaway ang staff at customers ng barber shop, at pinagmumura ang lahat.

Dahil dito, kinuha niya ang dalawang clippers at ginupitan ang barbero.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad foreigner at ngayon, kalbo na ang barbero dahil mismong siya, hindi rin nasiyahan sa gupit ng kanyang customer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *