DA, aminadong nahihirapan maabot ang rice self-sufficiency sa Pilipinas

Aminado ang Department of Agriculture na nahihirapan silang maabot ang self-sufficiency ng bigas sa bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Sec. Arnel de Mesa, napakarami pa ang kailangan gawin bago maabot ito.

Sinabi ng DA na isa rin sa nakakaapekto ay ang pagtaas ng populasyon sa Pilipinas kung saan umaabot na sa 110 milyon batay sa pinakahuling datos.

Ngayong taon, tiniyak ng opisyal na tataas ang produksyon ng palay sa bansa dahil sa papalapit na harvest season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *