DA-Bicol inilunsad ang Interventions Monitoring Card sa lungsod ng Masbate

SORSOGON CITY – Inilunsad ng Dept of Agriculture Regl Office 5 ang Interventions Monitoring Card (IMC) sa lungsod ng Masbate.

Ang card ay magsisilbing identification card ng mga validated na magsasaka at mangingisda na nakatala sa ilalim ng Regsitry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Maliban sa pagiging identification card, isa din itong multipurpose card na magsisilbing transactional card kung saan matatanggap ditto ang cash assistance para sa mga DA beneficiaries.

Nakapaloob sa nasabing card ang mga impormasyon ng benepisyaryo tulad ng pangalan, larawan, QR code, RSBA number at e-wallet card.

Layon ng IMC na mapagbuti ang dis tribution process ng Kagawaran at matiyak na walang leakages.

Ayon pa sa DA, pinapaganda pa ang IMC. Magkakaroon pa umano ito ng EMV chip o Europay, Mastercard, Visa chip, na ang ibig sabihin ay bukod sa puwedeng i-withdraw sa kapartner sa USSC o Universal Storefront Services Corp., ang No. 1 agent ng Western Union; at sa mga piling financial technology partners.

Ang card ay puwede rin na gamitin sa ATM machines para mag-withdraw ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *