DA, ibinunyag na nasa 100,000 MT ng sibuyas ang nalugi noong 2022

Nagtala ang Department of Agriculture ng kalugian sa nasa 100,000 metric tons ng sibuyas noong 2022.

Ayon sa DA, ang thirty-five percent loss ay matapos ang pag-ani dahil sa kakulangan ng mga pasilidad, gaya ng cold storages at improper handling.

Kabuoang 283,172 MT ng pula at yellow onions at shallots ang inani mula sa halos 30,000 hectares ng production area.

Sinabi naman ng DA na ang monthly requirement ay naitala asa 21,679 MT.

Ang naturang  bilang ay naitala sa gitan ng kakulangan sa suplay na bumabalot sa naturang commodity, na nagdulot ng pagtaas sa mga presyo nito.

Samantala, inihayag ng ahensya na para matugunan ang mga isyu sa onion industry, nakatakda silang maglunsad ng Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network (ORION) Program, na naglalayung suportahan ang local onion industry, maging ang pagtaas sa produksyon at income ng onion stakeholders sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *