DA Region 3, pinasinungalingan ang kumakalat na illegal solicitation gamit ang kanilang ahensya

Agad naman naglabas ng pahayag ang Department of Agriculture o DA Region 3 hinggil sa kumakalat na di umano’y illegal solicitation ng kanilang ahensya .

Ayon sa DA, may tinawagan na ilang indibidwal ang mga suspek na nagngangalang Noel Miranda at Mario Reyes gamit ang numerong 0977 635 840, para humingi ng solicitation.

Sinasabi umano ni Miranda at Reyes na konektado sila sa ahensya ng DA Region 3 at ginagamit rin ang pangalan ni Regional Director Crispulo Bautista Jr.

Paglilinaw ng Director, walang koneksyon ang mga suspek sa kanilang departamento at walang solicitation na ginagawa ang kanilang ahensya.

Samantala, hinimok rin ni Bautista ang publiko na tumawag sa kanilang tanggapan kung mabiktima ng kahalintulad na panloloko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *