Da sec. William Dar, pinangunahan ang mass labeling ng ‘pesticide residue free’ sa mga prutas at gulay sa Nueva Vizcaya

Binigyan ng food safety labels and certificates ang mga farmers cooperatives and associations (FCAs) ng Department of Agriculture sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) kaalinsabay ng Food and Safety Month celebration.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni DA Sec. William Dar, USec. Zamzamin Ampatuan, ASec. Noel Reyes, Regional Executive Director Narciso Edillo at High-Value Crops Development Program Director U-Nichols Manalo.

Ang mga nakatanggap ng food safety labels at certificates ay ang mga FCA na nakakumpleto ng kanilang training sa Good Agricultural Practices (GAP) at pumasa sa food safety requirements ng ahensya.

Tinuruan din ang mga kooperatiba sa paggamit ng Rapid Test Kits sa mga pesticide residue upang makontrol ang paggamit nito sa mga pananim na gulay at prutas.

Ayon kay Sec. Dar, mahalaga ito aniya upang matiyak na ligtas ang mga dumarating na mga gulay at prutas sa iba’t-ibang merkado sa rehiyon.

Samantala, pinuri naman ng kalihim ang liderato ng DA regional Filed Office dahil sa pagsisikap ng mga itong magkaroon ng rapid test sa mga produkto sa probinsya at pag-institutionalize ng balance pesticides used strategy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *