Dahil sa isang linggong paglalaro ng mobile games, babae sa China, naparalisa ang kamay

Hunan, CHINA–  Ang anumang labis ay nakakasama, at ang pag-abuso sa sarili, ay maaaring maghatid ng peligro saiyo.

Ganito ang kinahinatnan ng isang babae sa China makaraang maparalisa ang kanyang kanang kamay dahil sa isang linggong paglalaro ng mobile games.

Ayon sa ulat, hindi na naigalaw ng hindi na pinangalanang babae mula sa Hunan Province ng nasabing bansa ang kanyang mga daliri sa kanang kamay matapos na mamaga ang joints ng kanyang mga daliri.

Isang linggong ginugol ng naturang babae ang kanyang vacation leave sa paglalaro ng mobile games at ayon sakanyang kwento, binibitawan niya lamang ang kanyang cellphone, kapag oras na ng kanyang pagtulog.

Makaraan ang pitong araw, nakaramdam na siya ng pananakit ng kanyang mga daliri sa kanang kamay ngunit ipinagsawalang bahala niya lamang ito.

Hanggang umabot sa punto na tuluyan nang naparalisa ang kanyang mga daliri bago siya nag desisyon na magpa konsulta sa ospital.

‘Tenosynovitis’ o pamamaga ng joints ang naging findings ng komonsultang doktor sa babae na ayon dito ay buti na lamang na naagapan dahil kung hindi ay maaaring humantong sa mas seryosong kondisyon.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *