Dalawa pang barangay sa Olongapo, posibleng maideklarang drug cleared

Inaantay na lang ng Oversight Committee On Barangay Drug-Clearing Program ang go signal mula sa national government para desisyunan kung mapapasama na sa mga drug-cleared ang dalawang barangay sa Olongapo.

Ito ay makaraang makumpleto ng mga ito ang documentary requirements sa pagpapadeklarang malaya na sa paggawa, pagbebenta, paggamit ng iligal na droga ang mga residente ng isang barangay.

Ayon kay Zambales PDEA Provincial Officer Jigger Juniller, ang Brgy.Kalaklan at East Bajac-Bajac ay posibleng mapasama sa listahan ng drug cleared barangay kapag napatunayang nagbabagong buhay na ang mga drug personalities.

Matatandaan, una ang idineklarang drug-cleared ang apat na mga barangay sa Olongapo kaya labingtatlo na lang sa mga ito ang kailangan matutukan ng husto.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *