2 pang pulis, sibak sa pwesto matapos magpositibo sa ilegal na droga

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo dalawa pang tauhan ng PNP ang nagpositibo sa confirmatory drug test.

Ito ay kasunod ng pagkakasibak sa pwesto kay Mandaluyong Police chief, Police Colonel Cesar Gerente na una nang nagpositibo sa confirmatory drug tests.

Ayon kay Fajardo ang dalawang non-commissioned officers ay napag-alamang ‘positive’ matapos ang isinagawang random drug test ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Agosto.

Ang urine specimen umano ng mga subject personnel habang ikinakasa drug test ang kaparehong ginamit para sa confirmatory test kung saan positibo rin ang resulta ng mga ito.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ani Fajardo ang update ng NCRPO kung saang lugar at unit nakadestino ang dalawang pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *