Dalawang empleyado sa US, nahulog sa chocolate tank

Nahulog sa tangke ng tsokolate ang dalawang empleyado sa Estados Unidos sa pabrika ng Mars Wrigley sa Pennsylvania.

Nalubog ang kalahating katawan ng naturang mga empleyado sa chocolate tank kung saan kinailangan ng i-rescue.

Ayon kay Communications Supervisor Lancaster County 911 dispatch Brad Wolfe, binutas ng mga rumesponde ang nasabing tangke para makalabas ang dalawa.

Samantala, isinugod sila sa ospital upang masiguro ang kanilang kaligtasan. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *