Dalawang estudyante sa bayan ng Vinzons nagpositibo sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang dalawang estudyante mula sa bayan ng Vinzons Camarines Norte.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang mga bagong nagpositibo ay isang 8 at 14 taong gulang na lalaki na kapwa  mula sa Brgy Sto Domingo ng nabanggit na bayan

Ang 8 taong gulang ay binigyan ng local code na Bicol case #: 23579, isang asymptomatic at close contact . Kasalukuyan itong naka- isolate at nagpapagaling sa CN PHO- RHU VINZONS

Habang ang 14 na taong gulang na estudaynte ay binigyan ng local code na Bicol case #: 23581

Una itong nakaramdam ng sintomas noong August 17, ang pasyente ay isang close contact at kasalukuyang naka- isolate at nagpapagaling sa CN PHO – MHO VINZONS

Naka- quarantine na rin ang mga close contacts nito at isasailalim sa RT- PCR test.

Patuloy naman ang apela ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na makiisa sa mga ginagawa nitong hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID- 19 partikular na ang pagsunod sa Minimum Health Standards.

Kung naka- schedule na sa pagbabakuna ay huwag umanong palampasin ang pagkakaton na mabakunahan kontra COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *