Dalawang katao na nasamsaman ng P4.5-M na halaga ng iligal na droga, arestado

Arestado ang dalawang indibidwal na nasa Regional Target List ng PDEA Regional office NCR sa Barangay Santor, Rizal, Kalinga.

Dinakip ito ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO NCR bilang lead unit, PDEA RO CAR, PDEA RO II, PNP, at 503rd Infantry Battalion.

Nakuha sa implementasyon ng search warrant ang humigit kumulang walong kilo ng marijuana bricks, humigit kumulang tatlong kilo ng marijuana tubular, dalawang sako ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 18.3 kilos, at dalawang bote ng marijuana oil na 240 ml na may kabuuang halaga na P4,596,000.

Nakumpiska din sa mga suspek ang isang digital weighing scale, isang air rifle, at mga sako.

Napag alaman ng mga alagad ng batas na ang mga naaresto ang pinanggagalingan ng marijuana na ibinebenta sa National Capital Region.

Isinailalim sa masusing pagmamanman ang mga suspek hanggang makumpirmang sila ay sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa rehiyon.

Sinampahan na ang mga ito ng kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *